Oktubre 14, 2013
Ngaung araw na ito ay ang pagsisimula ng ikatlong markahan. Pinaghahandaan namin ang mga aralin sa asignaturang Filipino.
Pinag-aralan namin ang tulang "LUHA" ni Rufino Alejandro. Tumutukoy ito sa taong binaon ang habilin ng magulang ngunit siya ay napariwara dahil sa mga tukso at paglimut sa aral ng magulang. Ganun na lamang ang pagsisi nya ng siya ay tumanda. Dahil dito ay naisip ko na nasa huli ang pagsisi at dapat makinig sa mga magulang. Naramdaman ko ang saya dahil alam ko na kung bakit ako pianpagalitan dahil ay gusto nila akong maisaayos!
Oktubre 21, 2013
Nagsulat kami ng Liham para sa aming magulang. Sa liham na ito ay humingi ako ng tawad sa mga kasalanan ko at nagpasalamat sa lahat!!!! :)
Oktubre 22, 2013
Pinagaralan namin ngaun ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Ito ay tungkol sa paninindigan sa tama at mali sa buhay ng isang tao.
Oktubre 23, 2013
Mas pinalalim namin ang pag-aaral sa nasabing akda. Pinapadala kami ng kopya ng buod ng Noli Me Tangere
Sa akdang ito naisip ko na kahit ganu makapangyarihan ang pera hindi pa din lahat kaya nitong bilhin. Naramdaman ko na masaya ang buhay kahit simple lang ang pamumuhay!!!!
Oktubre 24, 2013
Nalaman ko na ikukumpara pala namin sila Delfin, Felipe, Elias at Crisistomo Ibarra ayon sa kanilang katangian, desisyon at paniniwala.
Oktubre 25, 2013
Ngayong araw ay napagalitan ako dahil sa maingay na pagtatalo kung namatay ba si ELias sa Noli Me Tangere at sa huli ay sinagot ni Mrs. Mixto ang kaguluhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento