Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Disyembre 4, 2013

Disyembre 4, 2013
                 Ngayong araw ay ipinasa na namin ang aming takdang aralin pumili ng mga larawan ang aming guro at pinapaliwanag ang mga ito. Tinukoy din namin ang teoryang nakapalagay sa akdang Banyaga ito ay ang toeryang Feminismo, Ito ay tumutukoy sa kalakasan at kahinaan ng babae sa loob ng akda. Nag iwan ng pangkatan ang aming guro para ipresinta bukas.

Martes, Disyembre 3, 2013

Disyembre 3, 2013

Disyembre 3, 2013
                 Sa araw na ito ay tinalakay namin ang akdang Banyaga ni Liwayway Arceo. Tumutukoy ito sa isang babaeng nangibang bansa. Nagbago ang tingin ng lahat ng siya ay bumalik sa kanyang kinagisnang bayan dahil na rin sa kakaiba nyang pagaayos. Ngunit hindi masyadong naunaawan ang akda kaya itutuloy ang talakayan sa susunod na araw. Bilang takdang aralin ay pinadadala kami ng mga larawan ng mga babaeng nagtagumpay sa ibat-ibang larangan.

Lunes, Disyembre 2, 2013

Disyembre 2,2013

Disyembre 2,2013
                 Una naming tinalakay ang mga babaeng nagtagumpay sa ibat-ibang larangan. Sinunod na namin ang akdang Banyaga ni Liwayway  Arceo. Nahirapan akong intindihin ang akda dahil sa mga salitang ginamit ngunit naunawaan ko ito dahil sa paliwanag ni Gng.Mixto.
                 Pagkatapos ng klase ay hindi ako agad umuwi dahil madami pa akong ginawa sa paaralan. Sa bahay maghapon akong nanood ng telebisyon at umalis upang maglibang ng kaunti.

Sabado, Nobyembre 30, 2013

Nobyembre 21,2013

Nobyembre 21,2013               
                      Ngayong araw na ito,nagbalik-aral kami tungkol sa akdang Tata Selo.Pagkatapos naman ay tinalakay din ang teoryang nakapaloob dito na Teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryng ito,nagbabago ang pananaw at ideya ng tao kapag nalaman mo na ang tunay na kuwento nito.katulad na lamang nito na itinuturing na kriminal si Tata Selo at ang biktima naman ay si Kabesang Tano,ngunit kung susuriin ang ang pahayag sa akda,malalaman natin na si Tata Selo pala ang biktima at si Kabesang Tano naman ang kriminal.Binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng islogan patungkol sa paksa ng akda.Mabilis ang talakayan pagkat 35 mminutos lamana ang ibinigay sa aming guro.

Nobyembre 22, 2013

Nobyembre 22, 2013
                   Ngayong araw ay tinuon namin ang aming pansin kung bakit ayaw pa ni Tata Selo na magsumbong si Saling sa mga kinauukulan. Dahil sa dignidad na kanilang pinangangalagaan kahit na mahirap lang sila.

Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Nobyembre 29,2013

Nobyembre 29,2013
                   WALA si maam hahahahahahaha!!! Kaya si Gg.Mixto ang humalili sa kanya.
tinalakay namin ang kahalagahan ng pagaaral at mga hindi karaniwang pangyayari sa akda!

Huwebes, Nobyembre 28, 2013

Nobyembre 28, 2013

Nobyembre 28, 2013
                   Natutunan ko nagyon ang tungkol sa dulang pansuliranin na ang halimbawa ay ang sinag sa karimlan dahil ito ay naglalaman ng mga suliraning panlipunan.